@others PLEASE confirmed with me so we can reserve a t SHIRT for you!!!!!!!
DEADLINE FOR PAYMENT JUNE 23,2008 WE WILL STRICTLY FOLLOW TO AVOID CONFLICT
-=oOOo=-
Update: From Ma'am Vicky Pedrosa (Baby_HiteK) as oj June 2, 2008
For the update of the coming 6th ANNIVERSARY :
Venue : VILLA FILOMENA RESORT (Marilao Bulacan)
Date : June 28,2008 - 3pm onwards
PAYMENT are now being accepted :
SMART MONEY- 5577 5191 9934 9102 VICTORIA PEDROSA
or
SMART MONEY - 5577 5171 2286 9105 EDWARD SECERIO
Amount is 680 PHP
INCLUSION : resort entrance,food,cottage, and ofcourse TSHIRT
for other question you can contact me at my YM or Boz Tsakee,BOz Ed2k or D'XPLORER
NO WALK IN PLEASE to avoid problem in head count as well as reservation concern..
You can bring along your family members but need to pay also...
Other who wants to participate in the program like chapter presentation you are free to do so but make sure to inform us so that we can include in the program.
ONCE PAYMENT HAVE been made kindly post reference number or contact me directly..
Hope it's NOT just count me in let's BE PROFESSIONAL...
Thanks!
-=oOOo=-
Mga ka-TAP forumers, mga taga Bulacan at mga kaibigan,
The Bulacan Chapter - pagpapakilala sa umpisa ng isang dakilang layunin
Mula sa proposal ng ating kaibigan, Vicky Pedrosa (Baby_Hitek), butihing asawa ng ating Administrator Hitek_PromDi, nagkaroon ng usaping maisakatuparan ito.
Kagabi lang ay nagkaroon kami ng maliit na pagtitipon Meycauayan Bulacan, na dinaluhan ng inyong lingkod, ka brother Tsakee, Ma'am Vicky, brainwashme, El_Bulakenyo, positive, darkninja, Adorable... at higit sa lahat ang tatayong leader (chairman) ng bagong Bulacan Chapter...
D'xplorer (Jhun Igaya, Plaridel, Bulacan)
Ang unang napagkasunduan at napagplanuhan ay ang pagdaraos ng isang pagdiriwang malapit sa ating lahat, ito ay ang anibersaryo ng TAPGSM at ang ikalawa'y ang pagkakaroon ng ganap na induction ng mga mahahalal o mapipiling mga pinuno at mga kikilalaning miyembro ng Bulacan Chapter.
Ang Bulacan Chapter ay hindi exclusive ng TAPGSM, ito ay sumasaklaw sa lahat ng kasamahan nating nalilinya sa cellphone repair sa buong probinsiya ng Bulacan, miski sila ay hindi miyembro dito sa ating forum o hindi aktibo sa TAPGSM. Ito'y kalipulan ng mga kasamahan natin mula sa iba't ibang bayan ng Bulacan lamang.
Ano mang tanong o suhestiyon ay malayang papakinggan ng pamunuan ng TAPGSM pero ito ay ganap na maisasakatuparan at bibigyan pansin ng mismong Bulacan Chapter, sampu ng mga mamumuno dito.
Pansamantala, makipag ugnayan kayo sa ating Bulacan Chapter Chairman D'xplorer o sa ating "muse" Baby_Hitek na kasalukuyang nangangalap ng mga contact numbers ng mga magiging miyembro ng Bulacan Chapter.
-=oOOo=-
6th Anniversary ng TAPGSM - Pag gunita sa ating pagkaka-ibigang sinimulan
Sa totoo lang, sa dami ng ating mga ginagawa at mga dapat unahin, mangyari po sana bigyan natin ng pansin para sa kapakanan ng ating naumpisang samahan at pagkakaibigan dito sa TAPGSM ang pagdaraos ng celebrasyon ng ika-anim (6th Year Anniversary) na taong nitong pananatili sa ere.
Ano mang inyong grupong kinaaniban o sadyang pare-pareho tayong may mga iba pang pinagkaka-abalahan, kayo po ay aming inaanyayahang makibahagi at dumalo sa:
Date: June 28, 2008, Saturday
Venue: Villa Filomena Resort, Marilao, Bulacan
(near SM City Marilao)
Time: 3 PM - Onwards
Participation Fee including foods, giveaways, etc. will be determined very soon. Wait for further announcement
Magkita kita na lang po tayo, lahat po ay imbitado, kapamilya, kapuso o ka-TAP ka man o hindi! Ang lahat po ng chapter, samahan, grupo o team ay aming inaanyayahan ding maki-isa sa araw na ito.
Maraming Salamat po sa inyong lahat. For God all the glory...
Mag-post lamang po kung tiyak na dadalo, kung hindi naman panoorin na lang ang post na ito ng nakangiti.
Views: 14642
The Following 142 Users Say Thank You to ed2k_8 For This Useful Post:
congratulations po sa BULACAN CHAPTER at sa ating chairman nasi d' explorer alam ko pong kaya kaya mo po iyan..asahan nyo po lagi ang aking suporta... sa mga tiga BULACAN eto na po ang inaantay nating lahat...
salamat po sa pamunuan ng TAP at ke Ma'am Vicky sa pagkakaroon ng TAP GSM BULACAN CHAPTER ....
The Following 2 Users Say Thank You to sweetsunkist For This Useful Post:
napakaganda nan........goodluck po sa BULACAN CHAPTER.............
nawa ay makarating ako .......,,,para makita ko uli ang mga BIG BOSS ng TAP GSM.......
kita na lang tayo mga boss.......
br,,
noelski_28
Last edited by goku; 06-02-2008 at 12:48 PM..
The Following 2 Users Say Thank You to noelski_28 For This Useful Post:
Yehey! Binabati ko si kumpanyero jhun a.k.a "D'Explorer" Igaya naway ipag patuloy mo ang magandang layunin na sinimulan mo.kahit silent mode ako nandito ako support ko sa inyong lahat.Keep it up and always aim high sa ating magandang samahan "TAP GSM FOREVER:"!!!!!!!
The Following 4 Users Say Thank You to cedric For This Useful Post:
Magandang umaga sa inyong lahat ang bungad na pagbati ko!Mga ka-tap at mga kababayan ko dito sa bulacan..Heto na ang hinihintay natin.
Ang magkaroon ng Bulacan Chapter...Binigyan na ng pahintulot ng butihing ADMIN
na magkaroon ng Bulacan chapter at matagal na rin at minimithi ng lahat na magkaroon ng Bulacan chapter...
Ang isa sa layunin ng pagbuo ay ang magkaroon ng pagkakaisa ang bawat technician sa lalawigan ng Bulacan.Magkatulong tulong sa ikagaganda ng ating magiging samahan na itatatag.At sa buong samahan na rin siyempre ng buong TAPGSM,sa lahat ng bumubuo nito maraming maraming salamat po sa pagbibigay daan na kami dito sa Bulacan ay magkaroon ng Chapter.Kung ano mang problema ang kaharapin ng bawat isa o sa sinasakupan ay mabigyan lunas o solusyon....ilan lamang iyan sa mga layunin at mithiin ng pagtatatag nitong Bulacan chapter...marami pang iba na kung magkakasama-sama at magkakatulong tulong tayong lahat ay nakikinita ko na maganda ang magiging kahihinatnan nang mga ito.Sana po mga kabayan asahan ko ang inyong suporta...
Maraming maraming salamat po!!!
Kaya po sa lahat ng ating kapamilya dito sa TAPGSM tayo po sana ay mag kita kita sa nalalapit na ika 6 na taon na ANNIBERSAYO ng TAP GSM at kasabay na rin po ang paglunsad ng BULACAN CHAPTER of TAPGSM...
The Following 19 Users Say Thank You to D'xplorer For This Useful Post:
isang magandang simula po ito unang araw ng hunyo unang araw rin ng bulacan chapter,
maraming salamat po sa admin ng TAP kay boss ed, boss tsakee, kay maam vicky kung di po sa inyo eh di po mabubuo ang bulacan chapter.. Kay chairman d'xplorer maasahan mo po ang suporta ko at patuloy na aanyayahan ko ang aking mga kakilala dito sa malolos na sumama at sumali sa atin sa bulacan chapter. Makakaasa ka sa suporta namin...IN GOD WE TRUST...
The Following 5 Users Say Thank You to brainwashme For This Useful Post: